MAYNILA – NAGDULOT ng biglaang takot ang lindol kahapon sa Zambales na naramdaman din sa iba’t ibang bahagi ng Metro Manila.
Sa tala ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), alas-5:46 nang maitala ang magnitude 5.2 earthquake sa bayan ng San Felipe sa Zambales.
Ang pagyanig na tectonic in origin ay may lalim na18 kilometers.
Naramdaman ang Intensity 3 sa Cainta, Rizal habang Intensity 2 sa Quezon City.
Asahan din aniya ang aftershocks subalit hindi naman magdudulot ng danyos. EUNICE C.
Comments are closed.