5.2 MILYONG PINOY BIBIKTIMAHIN NG BAGYONG OMPONG

NDRRMC Spokesman Edgar Posadas

CAMP AGUINALDO – TINAYA ng National Disaster Risk Reduction Management Council (NDRRMC) na aabot sa 5.2 milyong Pinoy ang maaaring maapektuhan ng paghagupit ng bagyong Ompong.

Ito ang inihayag sa press briefing ni NDRRMC Spokesman Edgar Posadas hinggil sa updates sa paglapit ng Bagyong Ompong sa kalupaan.

Aniya, mahigit isang milyong residente na nakatira sa mga baybayin ang vulnerable o pangunahing mabibiktima ng bagyo o sungit ng panahon.

Nilinaw naman ni Posadas na ang pinangangambahang sapitin ng mahigit isang milyong nakatira sa baybayin ay awtomatikong paglikas nito at hindi naman inaasahan ang matinding trahedya.

Kaya naman nanawagan ang NDRRMC sa mga tinukoy na vulnerable na residente na maging handa sa panahon ng bagyo.

Una nang  sinabi ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa) na ramdam na sa Bicol Region, Visayas at hanggang Northern Mindanao ang bagyo.       EUNICE C.

Comments are closed.