5.2M PAMILYA NAKARANAS NG GUTOM SA NAKALIPAS NA 3 BUWAN

SWS-GUTOM

MAY 5.2 milyong pamilyang Pinoy ang nakaranas ng gutom sa nakalipas na tatlong buwan sa gitna ng pakikipaglaban ng bansa sa COVID-19 pandemic, ayon sa survey ng Social Weather Stations (SWS).

Sa 1,555 adult Filipinos na sinurvey, 20.9 percent ang nagsabing nakaranas sila ng gutom dahil sa kawalan ng makakain, na mas mataas sa 16.7 percent na naitala noong Mayo.

Ang numero ay pinakamataas na naitala magmula noong September 2014, kung saan 22 percent ng respondents o katumbas ng 4.8 milyong pamilya ang nakaranas ng gutom.

Sa July survey, 15.8 percent o 3.9 milyong pamilya ang nagsabing nakaranas sila ng ‘moderate hunger’ o ‘isang beses lang o kaunti’ sa nakalipas na tatlong buwan, habang 5.1 percent o 1.3 milyong pamilya ang nakaranas ng ‘severe hunger’ o ‘madalas’ sa kaparehong panahon.

Lumitaw rin sa survey na ang nakaranas ng gutom ay pinakamataas sa Visayas sa 27.2 percent (1.3 m­ilyong pamilya), kung saan tumaas ito ng 12.6 percent mula sa huling survey.

Sumusunod ang Mindanao sa 24.2 percent (1.4 milyong pamilya), Balance Luzon sa 17.8 percent (2 milyong pamilya) at Metro Manila sa 16.3 percent (546,000 pamilya).

“The incidence of hunger rose among families of non-elementary graduate respondents to 35.6 percent from 21.1 percent,” ayon pa sa SWS survey.

Sumusunod dito ang households ng junior high school graduates sa 20.9 percent, at college graduates sa 8.9 percent.

Isinagawa ang survey noong July 3-6 gamit ang mobile at computer-assisted telephone interviewing at may sampling error margin na ±2 percent para sa national percentages.

3 thoughts on “5.2M PAMILYA NAKARANAS NG GUTOM SA NAKALIPAS NA 3 BUWAN”

  1. 977923 452343There is an ending. Just remember that I meant for this to be an art game. I do feel like I spent an inordinate amount of time on the far more traditional gameplay elements, which might make the meaning with the game a bit unclear. If you mess around with it though, youll find it. 916854

  2. 279435 230543omg! cant imagine how quick time pass, after August, ber months time already and Setempber could be the 1st Christmas season in my spot, I actually adore it! 925065

Comments are closed.