$5.4-B TELECOM DEAL SELYADO NA

Mislatel Consortium2

TULOY-TULOY na ang pagpasok ng Mislatel Consortium sa telecom industry ng Filipinas.

Ito ay makaraang lu­magda ang Udenna Corp., kasama ang China Telecommunications sa $5.4-billion Mislatel Telecommunica-tion deal kaugnay sa pagpasok ng third telco player sa bansa.

Ang Udenna, China Telecom, at isa pang kompanya na Chelsea Logistics Holding Corp. ang bubuo sa Mislatel Consortium, na siyang ikatlong telecommunications service provider sa bansa.

Ang Mislatel ang nanalong bidder sa isinagawang selection process ng National Telecommunications Commission (NTC) at Department of Information and Communications Technology (DICT) noong Nobyembre ng nakaraang taon at nakalaban nito ang dalawa pang kompanya na nagpahayag ng interes sa pagtatayo ng panibagong telco sa Filipinas.

“The signing of the investment agreement reiterates the group’s commitment to take up the challenge of providing better tele-communications services in the country,” ayon sa Udenna.

Ang kasunduan sa pagitan ng Udenna, Chelsea Logistics Holding Corp. at China Telecommunications ay sinelyuhan sa Second Belt and Road Forum for International Cooperation (BRF) sa Beijing, China.

Sina Dennis Uy, chairman ng Udenna at Chelsea, at Ke Ruiwen, chairman ng China Telecom, ang na­nguna sa paglagda sa kasunduan.    VERLIN RUIZ

Comments are closed.