WALANG pinsalang naidulot ang magnitude 5.4 na lindo na naitala sa Sarangani Province.
Ayon sa Philippine Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), naramdaman ang pagyanig bandang alas-10:22 ng umaga kahapon.
Sentro ng lindol ang silangang bahagi ng Balut Island sa munisipalidad ng Sarangani, Davao Occidental.
Wala namang nasugatan o nasawi sa nasabing pagyanig habang wala namang naitalang aftershocks makaraan ang lindol.
Kung maaalala noong nakaraang buwan, ilang beses din na nakaranas ng malakas na pagyanig ang nasabing lalawigan.