INIULAT ni Commission on Elections (Comelec) Commissioner Rowena Guanzon na pumalo na sa mahigit 5.7 milyon ang mga bagong botante na nairehistro ng Comelec para sa 2022 national and local elections.
Sa kanyang Twitter account, sinabi ni Guanzon na hanggang nitong Biyernes, Agosto 13, 2021 ay nakapagtala na sila ng kabuuang 5,727,223 bagong registrants.
Aniya, plano pa nilang i-reactivate na ang may 6.3 milyong botante na una nang na-deactivate matapos na mabigong bumoto sa loob ng dalawang magkasunod na halalan.
Kung kalahati man lamang aniya ng naturang milyon-milyong deactivated voters ang ma-reactivate nila ay maaabot nila ang mahigit 8.8 milyong registrants.
“5,727, 223 new registrants as of today, August 2021. If only 50% of deactivated voters of 6.3M will be reactivated, we can hit 8, 877, 233,” ani Guanzon, sa isang tweet.
Kaugnay nito, patuloy pa ring hinihikayat ni Guanzon at ng iba pang Comelec officials ang mga mamamayan na magparehistro na para makaboto sa susunod na halalan.
Sinabi ni Guanzon na ang voter registration ay nakatakda nang magtapos hanggang sa Setyembre 30, 2021 at wala na silang planong palawigin pa ito. Ana Rosario Hernandez
365000 889641I gotta favorite this site it seems invaluable really beneficial 588531