ASAHAN pang nasa lima hanggang walong bagyo ang tatama sa bansa hanggang sa katapusan ng taon.
Ito ang kinumpirma ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) kasunod na rin ng pahayag na posibleng nasa Isa o dalawa sa mga naturang bagyo ang maaaring makapaminsala nang husto o malakas.
Ayon kay NDRRMC Executive Director Ricardo Jalad, nagsasagawa na sila ng mga pre-disaster risk assessment meeting upang mapaghandaan ito, gayundin sa maaaring epekto ng La Niña at wet season.
Umaabot sa 20 bagyo ang pumapasok sa Philippine Area of Responsibility (PAR) taon-taon. DWIZ882
Comments are closed.