5-8 BAGYO TATAMA SA PH HANGGANG MARSO 2021

BAGYONG TISOY

NASA lima hanggang walong bagyo ang tatama sa bansa  hanggang sa buwan ng  Marso.

Ito ang lumabas sa forecast ng Department of Science and Technology (DOST) mula October 2020 hanggang sa March sa susunod na taon.

Sinabi ni  Science Secretary Fortunarto de la Peña na maraming lugar sa bansa ang makararanas ng ‘near’ hanggang sa ‘above’ normal na rainfall conditions.

Inaasahang mabubuo ang mga nasabing bagyo   sa loob ng Philippine Area of Responsibility (PAR) at palalakasin nito ang northeast monsoon o hanging Amihan na maaring magdulot ng pagbaha at pagguho ng lupa lalo na sa silangang bahagi ng bansa.

Sa kasalukuyan ay patuloy na binabantayan ng Philippine Atmospheric Geohphysical and Astronomical Services Administration (Pagasa) ang La Niña na opisyal nang umiiral sa bansa.

Comments are closed.