MARAMING Pinoy ang nakaahon sa kahirapan noong 2018, ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA)
Sa datos ng PSA, may 5.9 milyong Pinoy ang hindi na itinuturing na mahirap noong 2018 kung saan bumaba ang poverty incidence sa 16.6 percent mula sa 23.3 percent noong 2015.
Gayunman, nangangahulugan ito na may 17.6 milyong Filipino o 3 milyong pamilya pa rin ang mahirap.
“This translates to 17.6 million Filipinos who lived below the poverty threshold estimated at P10,727 on average for a family of five per month in 2018,” wika ni National Statistician Claire Dennis Mapa
“Ito ay dahil sa malaki ang pagtaas ng income ng mga poorest families natin, in particular ‘yung poorest 30% in the period 2015 to 2018. The poorest families increased their income on the average 31%,” aniya.
“Sa kabilang side, tumaas din naman ‘yung ating mga presyo [ng mga bilihin]. Between 2015 and 2018, tumaas ng mga about 14% pero dahil mas malaki ang pagtaas ng income kaya mas maraming Pilipino ang naiahon doon sa tinatawag nating poverty line,” dagdag pa niya.
Lumitaw sa pag-aaral na ang entrepreneurial activities at cash transfers mula sa pamahalaan tulad ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) ay nakatulong sa pagbuti ng poverty incidence level.
“On the other hand, subsistence incidence among Filipinos, or the proportion of Filipinos whose income is not enough to meet even the basic food needs, registered at 5.2% in 2018. The monthly food threshold for a family of five was estimated, on average, at P7,528,” dagdag pa ng PSA.
Ang lahat ng rehiyon sa bansa ay nagtala ng mas mababang poverty incidence levels maliban sa Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) na tinatawag ngayong Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).
Batay sa datos, ang poverty incidence sa mga pamilya sa Luzon ay bumaba sa 6.5 percent noong 2018 mual sa 10.8 percent noong 2015.
Sa Visayas, ang poverty incidence ay bumaba sa 15.1 percent mula sa 24.1%, habang sa Mindanao, ang poverty incidence ay nasa 23.7% mula sa 30.7%.
Sa 17 rehiyon sa bansa, ang National Capital Region ang may pinakamababang poverty incidence sa 1.5%.
Samantala, ang ARMM ang may pinakamataas na poverty incidence na 53.6 percent. Ayon sa National Economic and Development Authority (NEDA), ito ay dahil sa mas mataas na presyo ng pagkain sa rehiyon at sa patuloy na armadong tunggalian.
Ang latest official poverty statistics ay kinuwenta base sa 2018 Family Income and Expenditures Survey. PILIPINO Mirror Reportorial Team
Comments are closed.