5 ADMIRALS PINAGPIPILIAN BILANG COAST GUARD CHIEF

Armand Balilo

MAY limang admirals ang kasama sa shortlist na pipiliin ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte para hiranging susunod na commandant ng Philippine Coast Guard (PCG) kapalit ni Coast Guard Commandant Vice Adm. Elson Hermogino.

Kabilang sa mga contender ay sina Vice Adm. Joel Garcia – Deputy Commandant for admi­nistration and Director of National Coast Watch;  Rear Adm. Leopoldo Larroya – Deputy Commandant for operations;  Rear Adm. Jorge Ursabia – Commander of Marine Environmental Protection Command (PMA Class of 1987); Rear Adm. Lyndon La Torre – Commander of Internal Affairs Service; at Rear Adm. Joselito dela Cruz – Commander of Maritime Security Command.

Ayon kay PCG spokesperson Capt. Armand Balilo, ang listahan ng mga kandidato ay naisumite na  kay Transportation Secretary Arthur Tugade na siyang mag-eendorso kay Pa­ngulong Rodrigo Duterte.

Si Hermogino na miyembro ng PMA “San­diwa” Class of 1985, ay nakatakdang magretiro sa Oktubre 22.

Samantala, naging tampok naman sa selebras­yon ng ika-118 anibersaryo ng Philippine Coast Guard (PCG) na dinaluhan ni Tugade upang saksihan ang pag-turnover sa coast guard ng 15-meter vessel na ipinagkaloob ng Japan sa Filipinas bilang anti-terrorism fast boat. VERLIN RUIZ

Comments are closed.