5 AFP MEDICAL TEAMS NG IDEDEPLOY SA NCR

NAKATAKDANG magdeploy ng limang medical teams ang Armed Forces of the Philippines (AFP) para palakasin ang health system capability ng mga hospital sa National Capital Region sa gitna ng patuloy na paglobo ng COVID-19 cases.

Dalawang team ang huhugutin mula sa Philippine Army at tig-isa mula sa AFP Health Services Command, Philippine Navy at Philippine Air Force.

Ayon kay AFP Public information Office chief Navy Capt Jonathan Zata, ang bawat team ay binubuo ng isang doctor, isang nurse, at tatlong aidmen.

Ipauubaya ng AFP sa Inter-Agency Task Force for COVID-19 na mag determina kung saang medical facilities sa NCR ang tutulungan ng AFP’s medical contingent.

Sinasabing ang gagawing deployment ay kahawig sa inilunsad na medical mission ng AFP sa Cebu at Davao noong 2020 bukod ito mga ibinahaging medical frontline workers sa mega swabbing at quarantine facilities sa Metro Manila.

Kaugnay pa nito, pinabibilis na rin ng Hukbong Sandatahan ang pagpoproseso ng appointments para sa newly-recruited military doctors at nurses para mapalakas ang kakayahan ng kanilang Medical Corps. VERLIN RUIZ

8 thoughts on “5 AFP MEDICAL TEAMS NG IDEDEPLOY SA NCR”

  1. 93427 627481Id ought to seek advice from you here. Which is not something I do! I adore reading an article that could make men and women feel. Also, a lot of thanks allowing me to comment! 315396

Comments are closed.