OPERATIONAL ang limang airport na hawak ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) matapos ang matinding hagupit ni bagyong Ulysses.
Ayon kay CAAP spokesperson Eric Apolonio, kabilang sa limang airport ay ang Virac Airport, Naga Airport, Legazpi Airport, Sangley at Busuanga Airport.
Samantala, nakarating sa kanilang kaalaman na nagkaroon ng damages ang ilang facilities at equipment ng mga airport ng Jomalig, Mamburao, Marinduque, San Jose, Pinamalayan, Wasig, Romblon, Subic Bay, Iba, Baler, Alabat, at Calapan, Lubang, ngunit walang naitalang injuries sa kanilang mga tauhan.
Habang ang runway ng Plaridel Airport ay nagkaroon ng pagbaha, at nag-crack din ang mga door panel at water leakage sa tower building dulot ng storm surges.
Maging ang runway 07 ng Sangley ay binaha rin at apektado ang kanilang mga hangar at general aviation area.
Kaugnay nito ay inalerto ng CAAP ang kanilang mga airport manager upang mamonitor ang sitwasyon ng kanilang mga area of responsibilities. FROILAN MORALLOS
Comments are closed.