5-ANYOS NA BATANG BABAE, NALUNOD SA POOL

nalunod

MALABON CITY – NASAWI ang isang limang taon gulang na batang babae matapos malunod sa swimming pool sa birthday celebration ng girlfriend ng kanyang tito.

Binawian ng buhay sa San Lorenzo Ruiz Women’s Hospital ang biktimang si Ayesha Amore Herera, estudyante ng 2054 C. Oroquieta St., Sta. Cruz, Manila.

Lumabas sa imbestigasyon ni PO2 Philip Cesar Apostol, unang inimbitahan ang biktima ng kanyang tito na si Yeardly Russle Bautista, 22, sa birthday celebration ng girlfriend nitong si Eillen Carandang, 31, na ginanap sa M & A Resort sa 356 M. H. Del Pilar St., Brgy. Maysilo.

Bandang alas-2:30 ng hapon, laking gulat na lamang ng mga ito nang ipaalam sa kanila nang kanilang mga kasamahan ang tungkol sa biktima na nakitang nakalutang sa swimming pool.

Agad sinubukang i-revive ni Mary Grace Carandang, 32, nurse, ang biktima sa pamamagitan CPR method bago mabilis na isinugod sa naturang pagamutan subalit, namatay din ito dakong alas-7:25 ng gabi.          EVELYN GARCIA

Comments are closed.