UMARANGKADA kahapon ang mobile COVID-19 vaccination drive ng Department of Transportation (DOTr) at Metropolitan Manila Development Authority sa Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX).
Ayon kay DOTr secretary Arthur Tugade, layunin ng programang “We Vax as One: Mobile Vaccination Drive” na magbigay ng astrazeneca vaccine brand bilang first, second o booster doses sa mga pasahero at mga transport workers.
Aniya, target nilang makapagbigay ng 500 doses ng bakuna hanggang Biyernes at prayoridad ang mga tatanggap ng booster.
Pinayuhan naman ng kalihim ang mga nais magpabakuna na magtungo sa gate 4 sa ikalawang palapag ng PITX at magparehistro habang tatanggap din ng walk-ins. DWIZ 882