5 ARAW NA WATER SERVICE INTERRUPTION SA RIZAL

MAGKAKAROON ng water service interruption o mawawalan ng tubig sa ilang bahagi ng Taytay, Antipolo at Rodriguez sa lalawigan ng Rizal sa loob ng anim hanggang walong oras mula Setyembre 16 hanggang 20.

Sa public advisory nito, inihayag ng Manila Water ang pagkaputol ng serbisyo ng tubig sa ilang bahagi ng Taytay mula alas 10:00 ng gabi nitong Setyembre 16 hanggang alas 4:00 ng umaga sa Setyembre 17, Martes dahil sa mga aktibidad sa pagpapanatili ng linya.

Ang mga lugar na walang tubig sa Taytay ay bahagi ng Dolores (Poblacion); Golden City Subdivision; Cherryville; Summerfield Villas; Sitio Bato-Bato 2 at Cabrera Road sa Barangay Dolores ng munisipyo.

Sa Antipolo City, mawawalan ng tubig ang ilang bahagi ng Marville 2 Subdivision sa Barangay San Roque simula alas 10:00 ng gabi ng Setyembre 16 hanggang alas 5:00 ng umaga ng Setyembre 17.

Ang pagpapalit ng linya ng Manila Water sa Barangay Dalig sa nasabing lungsod ay magreresulta din sa pansamantalang pagkawala ng serbisyo ng tubig sa Milagros Subdivision, Sitio Dalig II, Sitio Dalig III, Casa Ibiza at Senergee Subdivision mula alas 10:00 ng gabi mula Setyembre 16 hanggang alas 4:00 ng umaga ng Setyembre 17.

Ang mga aktibidad sa pagpapanatili ng balbula sa Rodriguez sa Rizal ay gagawing walang tubig sa loob ng anim na oras ang mga bahagi ng Barangay San Isidro ng munisipalidad.

Sa Setyembre 17, magsisimula ang water service interruption sa ilang bahagi ng Barangay Dolores ng Taytay

partikular ang Palmera 3 at 4 sa alas-10 ng gabi. at tatagal hanggang 5 a.m. sa Setyembre 18, Miyerkules.

Sa Setyembre 18, isa pang round ng water service interruption ang ipatutupad sa Antipolo partikular sa ilang bahagi ng Barangay San Roque tulad ng Marigman Road left side, Marigman Road right side, Sitio San Lorenzo Ruiz, Knight of Columbus, Eastview Homes, Sitio Lornaville, Sitio Halang, Don Enrique Heights, Nazareneville, at KAHOA.

Magsisimula ang pagkawala ng tubig sa Setyembre 18 ng alas 10:00 ng gabi hanggang alas 5:00 ng umaga sa Setyembre 19.

Sa Angono, ilang bahagi ng Barangay Mahabang Parang, Sitio Silihan, Silingan 2 at 3 ay mawawalan ng tubig simula alas 10:00 ng gabi.

RUBEN FUENTES