MAGSASAGAWA ng 5-day mobile vaccination drive ang Department of Transportation (DOTr) katuwang ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITx) simula sa Lunes, Enero 24 na tatagal hanggang Enero 28.
Layunin ng programang “We Vax As One: Mobile Vaccination Drive” na mabakunahan ang unvaccinated passengers maging ang mga transport workers gamit ang Astrazeneca vaccine brand bilang first, second, o booster doses.
Target ng nasabing programa na makapagbigay ng 500 bakuna kada araw kung saan, prayoridad ang mga tatanggap ng booster shots.
Magsisimula ang limang araw na bakunahan mula alas-8:00 ng umaga hanggang alas-12:00 ng tanghali sa gate 4 ng ikalawang palapag ng PITX. DWIZ882