5 ARESTADO SA MARIJUANA SA BUS TERMINAL

MARIJUANA-7

TARLAC – ARESTADO  ang lima katao na kapwa sangkot sa pagbebenta at pagdadala ng  droga sa terminal ng bus sa Brgy. Singat Pura sa nabanggit na lungsod.

Sa report na ipinadala ni Lt.Col.Luis M. Ventura Jr. kay PNP Region 3 Director P/Bregadier General Joel Napoleon Coronel kinilala ang mga nadakip na suspek na sina Arnulfo Comia Jr., 28, ng Dasmariñas, Cavite, Fidel Catantan, 37, ng Alicia, Isabela; Gerald, 21, Kristopher Estor, 29, ng Fransico del Monte, Quezon City; at Edgar Salatario, 21-anyos ng Malolos City

Sa inisyal na imbestigasyon ni Police Captain Arnel A Cera ganap na alas-3:30 ng madaling araw ng matukoy ng mga awtoridad ang  ilegal na droga.

Nabatid na paluwas ng Maynila ang bus mula sa lalawigan ng Isabela kung saan bitbit ng mga suspek ang dalawang backpack na naglalaman ng pinatuyong dahon ng marijuana.

Habang dumating naman sa bus terminal ang isang kulay dilaw na Honda civic na may plakang TFG 336 lulan ang magkapatid na Estor.

Kung saan pinuna ng ladyguard na si Annaliza David ang bitbit nitong backpack na naglalaman ng 1000 grams ng marijuana.

Dito na nagkaroon ng mainitang pagtatalo nang tumang­ging ipakita ng suspek na si Edgar Salatario ang laman ng bag na umano’y naiwan ng pasahero ng bus sa nabanggit na terminal.

Samantala, kasong paglabag sa RA 9165 ang isasampa laban sa mga suspek. THONY ARCENAL

Comments are closed.