ABRA – LIMANG kalalakihan na sinasabing may itinatagong malalakas na kalibre ng baril at mga bala ang nasakote ng mga operatiba ng pulisya sa isinagawang police operation sa ilang bayan sa lalawigang ito noong Miyerkoles ng umaga.
Sa search warrant na inisyu ni Judge Marvin Jovito Samadan ng Regional Trial Court Branch 70 sa bayan ng Burgos, Pangasinan, sinakalay ng awtoridad ang bahay ng mga suspek na sina Ruben Ariota, Romar Reyes at Juliemar Ariota sa Barangay Talogtog, bayan ng Dolores.
Maging ang bahay ni Alvin Barboza Timbreza sa Barangay Supiil sa bayan ng San Juan, Abra kung saan narekober ang sam cal. 45 pistol na walang serial number at kargado ng bala.
Nasamsam din ang colt mark IV cal. 45 pistol; 2 magazines na karkado ng 24 bala ng cal. 45 pistol, pistol holster at 15 bala ng cal. 45 pistol.
Samantala, bandang alas-8 naman ng umaga nang salakayin ng awtoridad ang bahay ni Artemio Blanza Ballera sa Sitio Salideng, Brgy. Sac-caang sa bayan ng Sallapadan kung saan nasamsam ang homemade shotgun, isang homemade cal. 22 revolver na kapwa kargado ng mga bala.
Ayon sa pulisya, ang mga armas at bala na nasamsam sa mga suspek ay pawang walang kaukulang dokumento at sinasabing ginagamit ng mga suspek sa modus operandi o kaya gun-for-hire. MHAR BASCO
Comments are closed.