LIMANG Hukbong Dagat mula sa iba’t ibang bansa na kinabibilangan ng Pilipinas, Australia, Japan, New Zealand at United States ang nagsasagawa ngayon ng joint maritime drills sa loob ng Philippines Exclusive Economic Zone.
Ayon kay Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff General Romeo Brawner Jr., nagsimula nitong Biyernes ang ika-apat na multilateral cooperative activity na sinalihan ng puwersa military mula sa limang nabangit na bansa.
Sasabak din sa nasabing Multilateral Maritime Cooperative Activity ang Air Force units ng mga kasaping bansa upang pakita ang ang sama-samang pagsisikap para mapalakas ang ang regional at international cooperation bilang suporta sa free and open Indo-Pacific.”
Nilinaw ng US Indo-Pacific Command (USINDOPACOM) sa kanilang inilabas na statement “ The naval and air force units of participating nations will operate together enhancing cooperation and interoperability between our armed forces. The activity will be conducted in a manner that is consistent with international law and with due regard to the safety of navigation and the rights and interests of other States.”
Sa ibinahaging pahayag ng US Embassy in Manila. “The US, along with our allies and partners, uphold the right to freedom of navigation and overflight, other lawful uses of the sea and international airspace, as well as respect to the maritime rights under international law.
Hindi nagbigay ng detalye ang AFP maging ang INDOPACOM hinggil sa puwersa o participating assets na sasali sa nasabing sabayang pagsasanay.
Bukod sa Australian defense ministry na naglabas ng kanilang news release kung saan inihayag na kasama sa MMCA ang kanilang HMAS Sydney at Royal Australian Air Force P-8A Poseidon maritime patrol aircraft.
Subalit hindi rin nagpahuli ang China dahil kahapon din ay nagsagawa rin sila ng kanilang pagsasanay sa bahagi ng Scarborough Shoal o Bajo de Masinloc na inaangkin ng mga Tsino bilang kanilang “indisputable sovereignty.”
VERLIN RUIZ