CAMP CRAME – KINUMPIRMA ni Philippine National Police (PNP) Chief, General Archie Francisco Gamboa na limang authors ng mga pekeng impormasyon sa social media ang naaresto na ng kaniyang mga tauhan.
Aniya, ang limang authors ay kabilang sa 24 na mga indibiduwal na inirereklamo ng 32 katao dahil sa pagpo-post ng mga maling impor-masyon patungkol sa coronavirus disease (COVID-19) na nagdudulot ng panic sa mga nakababasa.
Sinabi ni Gamboa na simula nang umiral ang Enhanced Community Quarantine, 20 insidente ng fake news ang nadiskubre ng PNP.
Habang nagsasagawa naman ng case build up ang PNP laban sa mga author ng impormasyong sinalakay umano ng mga pulis ang The Medi-cal City at kinuha ang mga Personal Protective Equipment (PPE).
Sinabi ni Gamboa na mismong managemet ng nasabing ospital ang nagsabing fake news ang impormasyong kumakalat sa social media.
Babala ng PNP Chief, lahat ng mga nagpapakalat ng fake news ay sasampahan ng mga kasong online libel at paglabag sa anti cybercrime law. REA SARMIENTO
Comments are closed.