TALAGA namang challenging ang pagkakaroon ng negosyo. Sa sobrang dami ng pinagkakaabalahan at pinag-iisipan, maaari talagang magka-burnout ang isang negosyante, pati na rin ang mga empleyado.
Ano-ano ba ang panggagalingan ng mga balakid o challenges sa isang negosyo na puwede mong ipagka-burnout?
#1 Funding
Kapag pera na ang pinag-uusapan, laging nasa taas ito ng challenges mo bilang negosyante, ‘di ba? Sino ba ang ‘di nangan-gailangan ng pera para masuportahan ang paglago ng kanyang negosyo? Kaya ito ang top 1 natin sa listahan. Paano ito mareremedyuhan, narito ang tatlong paraan:
Humingi ng tulong sa mga taong malapit sa ‘yo at sa mga nakaaalam sa sitwasyon mo. Ang mga propesyunal kasi ang mas ma-bilis na makatutulong sa funding at pagkuha ng investors. Ikalawa, mag-prioritize ka ng pagkukunan ng pera. Mas maigi kasi na mayroon kang maayos na cash flow. Ang pag-concentrate sa benta ay isa ring maayos na solusyon. Pokus ka lang sa mga maga-gandang ideya at serbisyo para umayos ang ‘self-funding’ man o mula sa investors.
#2 Marketing
Bukod sa kaperahan, ang pagbebenta ay isa pang maaaring panggalingan ng stress sa negosyo. Ano’ng gagawin para maibsan ito?
Una, tingnan mo ulit ang target market mo. Baka naman kailangang pihitin ang target na kostumer mo sa iba o mas masinsin pang target. At dahil kaya mong makita kung saang customer base sa mas malakas, puwede mong pagtuunan ng pansin ang ‘niche’ na ito. Sniper approach tayo kaysa shotgun. Mas matipid pa ito na solusyon. Puwede ka ring kumuha ng mga consultant o market-ing agency na tutulong sa ‘yo.
#3 Team
Ang pagbuo ng maayos at tamang team ang isa rin sa nakaka-stress, ‘di ba? Una, relax ka lang. Huwag magmadali. Mas ma-hirap magpalit ng tao kapag andiyan na. Kaya sa una pa lang, ayusin ang filtering ng mga kandidato. At kapag nasa kompanya na, magpokus ka sa training at mentoring.
#4 Priorities
Madalas, sa sobrang dami lang talaga ng gagawin, ‘di mo na alam kung ano ang uunahin, ‘di ba? Ang rule number 1 diyan ay matutong magsabi ng “NO!” kung puno ka na. Naku, alam kong mahirap ‘yang gawin pero talagang dapat mapraktis ‘yan. ‘Di mo talaga kayang oo-han ang lahat.
Pangalawa, matutong mag-delegate. ‘Di puwedeng ikaw lang ang magaling. At paano matututo ang ibang tao kung ikaw lahat ang gagawa?
Ayusin mo rin ang lugar at mga bagay-bagay sa opisina. Baka makalat na rin ang lamesa mo o kailangan nang ayusin ang mga iskedyul.
#5 Direksiyon
Sa kababago ng mga teknolohiya at marami pang may kinalaman sa negosyo, baka nawawalan ka na rin ng direksiyon.
Huminga ka muna. Isulat ulit ang plano at alamin saan ka nagkulang at saan ka naman nagtagumpay. Mas mainam din na magbakasyon muna o mag-out of town planning kayo. ‘Yung walang distraksiyon.
Sa personal mo namang pamumuhay, mag-exercise ka — mag-meditate o magdasal. ‘Di mo talaga kaya lahat mag-isa. May Diyos kang kahalili at magbibigay ng tunay na direksiyon.
oOo
Si Homer Nievera ay isang serial technopreneur. Kung may katanungan, mag-email sa kanya sa [email protected].
Comments are closed.