5 BAHAY NASIRA SA MAGNITUDE 5.6 EARTHQUAKE

LIMANG bahay ang iniulat na nasira matapos yanigin ng magnitude 5.6 earthquake ang bayan ng Sablayan, sa Occidenta Mindoro nitong Linggo.

Ayon sa ulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHILVOCS), naitala ang lindol bandang alas-5:59 ng umaga at may lalim na 10 kilometers northwest ng Sablayan.

Sa paunang assessment tinatayang aabot sa P280,000 ang naging danyos sa mga ari-arian, ayon sa local disaster management office.

Sa damages assessment na ibinahagi ni Sablayan Mayor Andres Dangeros sa local office of civil defense ay wala namang inulat na nasawi o nasaktan.

“So far, wala pong nasaktan, anang alkalde.

Subalit kinumpirma nitong may ilang bahay ang nasira sa Zone 5 sa Barangay Agustin, at may tatlong pamilya o 15 katao ang naapektuhan.

“Three families are initially reported affected by the occurrence ofthe earthquake in Brgy. San Agustin, Sablayan, Occidental Mindoro. Number of individuals are for validation. Affected families are currently staying at their respective homes, “ sa ibinahaging report ng National Disaster Risk Reduction Management Council.

Sinabi pa ni Dangeros na nagsasagawa na ng pagsusuri ang local disaster officials sa posibleng sira sa mga kalsada , tulay at mga government building. VERLIN RUIZ

138 thoughts on “5 BAHAY NASIRA SA MAGNITUDE 5.6 EARTHQUAKE”

  1. 418919 133868This web page is really a walk-through its the internet you desired with this and didnt know who need to. Glimpse here, and youll undoubtedly discover it. 224926

Comments are closed.