BICOL – NAG-ABISO ang Albay Electric Cooperative (ALECO) sa mga member-consumers nito na paghandaan ang malawakang brownout sa mga bayan ng Daraga, Camalig, Manito, Jovellar, Guinobatan at sa lungsod ng Legazpi sa Biyernes, Hunyo 21.
Ito ang inanunsyo ng electric coop na magkakaroon ng scheduled power interruption sa lahat ng feeder mula alas 6:00 ng umaga hanggang alas 6:00 ng gabi.
Nakatakdang magkaroon ng preventive maintenance services ng Washington Substation, re-routing of WF2 backbone line, construction of tapping point ng 3 phase distribution line of WF2 sa Double Circuit distribution line of WF4 and WF2 at massive right of way line clearing sa nasabing mga lugar.
Ayon sa Aleco, maaapektuhan ng kanilang power maintenance ang mga Barangay ng Sagmin, Baño, Bagumbayan, Ilawod West, Ilawod Poblacion, Washington Drive, Rizal St., Ilawod Municipality at Cruzada sa Legazpi City samantalang ilang portion sa bayan ng Jovellar at Guinobatan ang makararanas ng brownout.
RUBEN FUENTES