PINAG-IINGAT ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ang publiko sa pagbili ng mga shellfish mula limang baybayin ng bansa na positibo sa red tide toxins.
Batay sa shellfish bulletin # 11 ng BFAR, positibo pa rin sa paralytic shellfish poison o red tide ang mga shellfish mula sa baybayin ng Milagros sa Masbate; coastal waters ng Dauis at Tagbilaran City sa Bohol; Dumanquillas Bay sa Zamboanga del Sur; Litalit Bay sa San Benito, Surigao del Norte; at Lianga Bay sa Surigao del Sur.
Samantala, ligtas na mula sa red tide toxins ang mga shellfish mula sa baybayin ng Bolinao sa Pangasinan
Paglilinaw naman ng BFAR, ligtas pa ring kainin ng tao ang mga isda, hipon, pusit at mga alimango mula sa mga nabanggit na baybayin bastat itoy sariwa, nahugasan ng mabuti at natanggalan ng laman loob bago lutuin. BETH C