PINIGIL at nailigtas ng mga opisyal ng Bureau of Immigration (BI) sa Clark International Airport sa Pampanga ang 5 undocumented na overseas Filipino workers (OFW) na umano’y biktima ng illegal recruitment o human trafficking makaraang tangkaing lumabas ng bansa at nagpanggap na mga turista.
Ayon kay BI port operations division chief Grifton Medina, na ang mga pasahero na karamihan ay mga babae ay pinigil sa dalawang insidente nang tinangka nilang sumakay ng flight patungong Malaysia at United Arab Emirates na patungo sana sa Kota Kinabalu kung saan sila ay kinuha upang mag-trabaho bilang mga nightclub entertainer habang ang dalawa sa kanila ay mga domestic helper sa Lebanon.
Ayon sa BI, ang 3 sa kanila ay nagbayad ng halagang P10,00 sa isang “Danilo” na nakilala lamang nila sa isang online at nagkita ang mga ito sa isang mall sa Quezon City kung saan pinangakuan sila ng trabaho sa Kota Kinabalu at ang kanilang mga dokumento ay ibibigay na lamang sa kanila pagdating nila sa Hongkong habang ang 2 naman ay nagpakita lamang ng pekeng visa patungong UAE na pinangakuan ng trabaho sa Beirut at sinabihan na huwang sasabihin ang lugar na kanilang pupuntahan.
“Obviously these women have been victimized by unscrupulous human trafficking syndicates that prey on the poor,” ayon kay Medina. “We must pursue cases against these illegal recruiters to protect our fellow Filipinos from exploitation in foreign lands,” dagdag pa nito.
“Illegal recruiters will put their victims in a tight spot. The victims, knowing that they entered through illegal means, would be forced to agree to the unfair work conditions given to them and would even be asked to pay via salary deduction hefty sums for their recruitment,” paliwanag pa ni Medina.
Ito rin ang dahilan kung bakit pinaalerto ni Immigration Commissioner Jaime Morente ang lahat ng BI personnel sa lahat ng ports sa labas ng Maynila upang manmanan ang mga biktima ng human trafficking. PAUL ROLDAN
Comments are closed.