5 BIKTIMA NG HUMAN TRAFFICKING NASAGIP

MCIA

NASAGIP sa pinaigting na pagbabantay ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) ang 5 biktima ng human trafficking habang arestado ang sinasabing courier nila sa Mactan-Cebu International Airport (MCIA).

Sa ipinadalang ulat sa tanggapan ni BI Commissioner Jaime Morente, ang limang biktima ng human trafficking ay naharang sa magkaibang petsa habang sila ay paalis patungong Hongkong at Macau.

Naaresto naman ang hinihinalang courier ng sindikato nang pigilin ang tatlo sa limang biktima na patungong Hongkong kung saan itinuro ang babae na siyang naghatid sa kanila sa paliparan.

Ayon naman kay BI MCIA Travel Control and Enforcement Unit (TCEU) head Ma. Asuncion Palma-Gil, inilipat na sa National Bureau of Investigation (NBI) ang suspek upang masampahan ng kasong human trafficking at  illegal recruitment sa Cebu City Prosecutors Office.

Napag-alamang nagpanggap na turista ang mga pasahero na patu­ngong Hongkong at Macau bago tumulak sa  kanilang destinasyon sa Dubai. FROI MORALLOS/PAUL ROLDAN

Comments are closed.