NASAGIP ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) Travel Control and Enforcement Unit (TCEU) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 2 ang limang pinoy na pinaniniwalaan mga biktima ng Human trafficking.
Ayon kay Ma. Timotea Barizo, hepe ng TCEU na ang limang pinoy ay pasakay ng Philippine Airlines patungong Thailand nang ma-intercept ng kanyang mga tauhan pagdaan sa secondary inspection sa departure area ng NAIA Terminal 2.
Nadiskobre ng mga ito na itinago ang kanilang connecting flight papuntang United Arab Emirates via Libya ang kanilang final destination.
Kaugnay nito, nag isyu ng warning si Immigration Commissioner Jaime Morente sa mga Pinoy na nagnanais magtrabaho sa ibang bansa na makipag-ugnayan sa Philippine Overseas Employment Administration (POEA) upang maiwasan maging biktima ng mga illegal Recruitment at scammers sa facebook at messenger.
Iginiit ni Morente na interesado lamang ang mga ito sa kanilang kikitain, at your own expense. FROILAN MORALLOS