MT. PROVINCE – PINANINIWALAANG limang miyembro ng Citizen Armed Force Geographical Unit (CAFGU) ang kabilang sa namatay matapos na matabunan sa pagguho sa sa bayan ng Natonin.
Sinabi ni Maj Jefferson Somera, Public Affairs Officer ng 5th Infantry Division Philippine Army, Camp Melchor F. Dela Cruz, Upi, Gamu na kinumpirma ito sa kanila ng pamilya ng limang biktimang CAFGU.
Kinilala ang tatlo sa mga ito na sina Leobel Orchilion, Linang Pallichang at Jonathan Ngilin, habang ang tatlo ay hindi pa nakukuha ang kanilang mga panagalan.
Nagtatrabaho sa isang proyekto ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang nasabing mga CAFGU at nang manalasa ang bagyong Rosita ay tumuloy sila sa gusali ng DPWH.
Sinabi rin ni Somera na nasa kani-kanilang mga lugar ang mga CAFGU para magkaroon ng ibang hanapbuhay dahil sa loob ng isang buwan ay 15 araw lamang ang kanilang duty. IRENE GONZALES
Comments are closed.