5 CYBER PROSTI NASAGIP, BUGAW KALABOSO

cyber prostitution

LANAO DEL NORTE – LIMANG babae na sangkot sa cyber prostitution ang na-rescue ng mga tauhan ng Philippine National Police (PNP)  habang arestado ang umano’y bugaw sa entrapment operation sa Iligan City.

Kasong paglabag sa  Expanded Anti-trafficking in Persons Act ang kahaharapin ng itinurong “bugaw” na  si alyas Mardy Amor.

Si Amor umano ay kabilang sa online prostitution group na nagbebenta ng mga batang kababaihan sa pamamagitan ng websites o internet.

Ayin kay Iligan City Police Office spokesperson P/Maj. Jovanne Cabusas may liang kababaihan ang kanilang na rescue sa loob ng lodging house sa Badelles Street, Iligan City.

Ilan sa kanila ay kasalukuyang umanong nagpe perform ng sexual act sa harap ng web cam.

Una rito, nagtago sa pangalang “Mawie Wilson” ang suspek na taga-Barangay Kiwalan upang makapambiktima ng mga babae sa pamamagitan ng Facebook.

Linggo ng umaga sa tulong ng ilang informant at intel report na ibinahagi ng kanilang mga foreign counterparts ay natiktikan ang modus ni Amor hanggang nakakita ng tamang pagkakataon na maaresto ito ng mga awtoridad nitong linggo lamang. VERLIN RUIZ

Comments are closed.