5 DATING PULIS PINATAWAN NG “RECLUSION PERPETUA”

CAGAYAN DE ORO CITY- MATAPOS ang halos pitong taong paglilitis ay hinatulan na ng korte ng kaukulang parusaing ‘reclusion perpetua’ o pagkakulong ng habambuhay ang lima na dating police officers dahil sa kinasangkutang kidnapping case sa isang negosyante sa Uptown, Barangay Balulang sa lalawigang ito na naganap noong 2016.

Ayon kay Regional State Prosecutor Merlynny Uy na malinaw na kuha ng CCTV camera kung paano dinukot ng mga akusado ang biktimang si Enrique ‘Eking’ Fernandez III habang pauwi na sana ito sa kanilang bahay mula sa isang pagtitipon na dinaluhan nito sa nabanggit na taon.

Aniya, matapos na pag-aralan ang naturang kasong pagdukot ng mga akusado sa biktima na nakitaan ng malakas ay inilabas nito ang ‘guilty verdict’ kahapon ng umaga.

Kinilala ang mga pinatawan ng life sentence imprisonment na sina former Police Senior Insp. Irenio Ramirez;former SPO2s Alejandro Ubanan;Alaindelon Tacubao at Jojo Lim kasama sina dating PO2 Sangkulan Hussein na bumuo sa binuwag na special unit ng Cagayan de Oro City Police Office

Kaugnay nito, pinagbabayad din ng korte ang mga akusado ng tinatawag na monetary damages kaugnay sa naranasan ng mga kaanak ng biktima.

Matatandaan sa salaysay ng mga da­ting pulis na hindi umano nila pinilit sumakay ang biktima sa kanilang sassakyan dahil sa nagsasagawa sila umano ng police operation. EVELYN GARCIA