5 ELECTORAL PROTESTS NAISAMPA SA COMELEC

COMELEC

NAKAPAGTALA ng  limang  election protest na naisampa sa Commission on Elections (Comelec), halos dalawang linggo matapos ang halalan.

Kabilang sa mga lugar na ipinoprotesta ang mga nanalo  sa  Taguig, San Juan, Leyte, Kalinga, at  Negros at ayon kay Comelec spokesperson James Jimenez, inaasahang mayroon pang darating na reklamo.

Ang mga petisyon para sa lokal  tulad ng sa city at provincial posts ay nasa hurisdiksyon ng Comelec habang ang mga nasa municipal mayor at mas mababang puwesto ay nasa ilalim naman ng Regional Trial Court (RTC).

Ang election protests naman sa puwesto ng senador at sa House of Representatives ay nasa hurisdiksyon naman ng Senate Electoral Tribunal (SET) at House of Representatives Electoral Tribunal (HRET).

Nakapagtala naman ng mahigit sa 10 petisyon laban sa plano ni dating National Youth Commission (NYC) chair Ronald Cardema para maging representante ng partylist group na Duterte Youth.

Comments are closed.