MULI na namang nagpalabas ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa pamamagitan ng Laguna Lake Develop-ment Authority (LLDA) ng cease-and-desist order (CDO) laban sa limang establisimiyento bunsod ng patuloy na kontribusyon nito sa polusyon sa Manila Bay.
Isinilbi ng LLDA ang CDO sa mga restaurant habang patuloy namang iniimbestigahan ang iba pang establisimiyento na nakatakdang padalhan ng notice para pagpaliwanagin kaugnay sa natuklasang mga paglabag sa loob ng 15 araw.
Bukod pa rito, nakatakda ring magpalabas ang LLDA ng notice of violations sa mga nagdaragdag ng polusyon sa tubig gaya sa kaso ng Heritage Condominium Corp., Ma. Natividad Building, Marina Square Properties Inc. (Hyatt Hotel and Casino Manila), Cultural Center of the Philippines (main building and production design center), Federal Land Inc. (The New Blue Wave), First Marbella Condominium Association Inc., Gold Quest Premiere Resources Inc (The Biopolis), OWWA Building at maraming iba pa.
Nauna nang ipinasara ng LLDA ang limang establisimiyento matapos matuklasang nagtatapon ang mga ito ng maruming tubig na dumidirekta sa Manila Bay. BENEDICT ABAYGAR, JR.
Comments are closed.