5 FILIPINO SAILORS NG CRUISE SHIP GINAGAMOT SA NCOV

sailors

JAPAN – LIMA nang Filipino sailors ang ginagamot ngayon sa novel coronavirus sa magkakaibang ospital, ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA).

Ang apat na crew members ay kabilang sa bagong kumpirmadong kaso ng nCoV nang dumaong sa Yokohama ang Diamond Princess cruise kung saan kabilang ang isang Pinoy sa unang na-diagnose na tinamaan ng sakit makaraang isang pasahero ang nag-positibo noong Pebrero 4.

Samantala, ang natitira pang mga pasahero ay pinakiusapan na i-quarantine ng 14 araw.

Sa record, nagsimula ang virus sa Wuhan City sa probinsiya ng Hubei sa China kung saan mahigit  800 na ang namamatay nang lumaganap ito sa 25 bansa kasama ang Filipinas.

Habang nagkukumahog ang ilang bansa dahil sa bagong strain ng coronavirus, tahimik ang China at napaulat na bagaman matindi ang pangamba sa nasabing sakit ay itinayo nila ang Fire God Mountain Hospital na may 1,000 beds na naglalayong gamutin ang pneumonia na dulot ng nasabing virus. EUNICE C.

Comments are closed.