5 FITNESS ACTIVITIES NA EFFECTIVE SA PAGPAPAPAYAT

PAGPAPAPAYAT

Naisa-isa natin ang mga natural food na mainam sa pagpapapayat, ngayon naman ay tatalakayin natin ang ilan sa mga fitness activity na mabisa sa pagbabawas ng timbang. Hindi lang naman ang pagkain ng tama ang dapat nating ikonsidera sa ating fitness goals.

Malaking factor din ang naitutulong ng ehersisyo sa pagpapalakas ng ating katawan. Dahil magkakaiba ang ating edad, lifestyle at body type, iba’t iba rin ang fitness activities na aakma sa ating katawan. Narito ang ilan sa mga ito:

WALKING/JOGGING

PAGPAPAPAYATIto na siguro ang pinaka-convenient at pinakamatipid na exercise sa lahat. Maaari kang mag-jogging sa mga street o sidewalk malapit sa iyong bahay o ‘di kaya’y maglakad na lamang kung walking distance lang naman ang pupuntahan.

Ayon sa pag-aaral ng American Heart Association, ang paglalakad ay nakapagpapababa sa risk ng breast cancer, colon cancer, heart diseases, type 2 diabetes at osteoporosis. Nakatutulong din ito sa pagre-realease ng endorphins na nakapagpapaaliwalas ng ating mood at nakapagpapataas ng concentration level.

Samantala, mainam naman ang jogging sa pagpapalakas ng mga muscle sa ating katawan tulad ng quadriceps, hamstrings, abdominal muscles, calf muscles etc. Dahil mas intense ang workout na ito, mas marami ang natutunaw nitong calorie. Mabuti rin ito sa ating cardiovascular system, dahilan upang makaiwas sa heart disease, hypertension, type 2 diabetes at cancer.

AEROBICS

Ang Aerobics ay isang form ng physical exercise na pinagsasama ang stretching at strength training. Mas marami ang benepisyo na makukuha sa Aerobics dahil goal nito ang mapabuti ang lahat ng elemento ng fitness, magmula sa flexibility, muscular strength hanggang sa cardio-vascular fitness.

Kung ikaw ay mahilig sa music at dancing, perfect ang Aerobics para sa iyo. Madalas kasi, group session ang Aerobics na pinangu­ngunahan ng isang instructor. Kaya’t kung nais mong maka-bonding ang iyong mga kaibigan o di kaya’y makipag-socialize at makakilala pa ng mga bagong kaibigan, sumali na sa mga Aerobics class.

YOGA

Ito naman ang pinakapaborito kong physical exercise sa lahat dahil sa nakare-relax ito at mabuti sa ating mental state.

Ayon sa Osteophatic.org, ilan sa mga physical benefit ng yoga ay ang pagpapabuti ng ating cardio at circulatory health, flexibility skills at muscle strength. Mainam din ito sa pagpapalakas ng ating immune system at pagpapabilis ng metabolism.

Makaiiwas din sa mga sakit na arthritis, headache at carpal tunnel syndrome ang taong mahilig mag-yoga. Ngunit bukod dito, mabisa sa pagtatanggal ng stress ang yoga at pinatatalas pa nito lalo ang ating concentration.

WEIGHT LIFTING

Kung gusto mo naman ang mas intense na exercise at mag-build ng muscle sa iyong katawan, ang weight lifting ang bagay sa iyo. Mabisa ito sa pagtatanggal ng body fat dahil nako-convert bilang muscle ang taba sa parte ng katawan na target mo. Pinalalakas din nito ang tissues at joints ng katawan, na makatutulong upang makaiwas sa mga injury.

Maliban sa physical benefits ng weight lifting, effective din ang weight-training sa pagre-release ng endorphins, kaya naman nakababawas din ito ng stress at anxiety.

MARTIAL ARTS

PAGPAPAPAYATKung mas gusto mo pang mag-level up sa iyong physical exercise, maaari ka ring mag-enroll sa  Martial arts classes. Tiyak na makukuha rin sa Martial Arts lessons ang mga benepisyo na nabanggit sa iba pang mga fitness activity.

Ngunit ang kakaiba rito ay matuto ka ng self-defense at puwede ka pang sumali sa mga Martial Arts competition. Marami ang mapagpipilian na Martial Arts tulad ng Muay Thai, Taekwondo, Karate etc.

Tulad ng pagkain ng mga masusustansiyang gulay at prutas, magiging hobby rin ang paglalaan ng oras para sa exercise kung ito ay titiyagain. Ngunit kinakaila­ngan ng disiplina at consistency sa physical activities na ito kung gusto mong makita at maramdaman ang pagbabago sa iyong katawan.

Pero hinay-hinay lang din sa pag-eehersisyo dahil masama naman ang sobra. Alamin ang exercise kung saan hiyang ang iyong body type para mas maging mabisa ang pagpapapayat at huwag kalimutang mag-enjoy. (photos mula sa google) RENALENE NERVAL

Comments are closed.