5 FRUITS LANG SAPAT NA PARA SUWERTEHIN SA 2025

PATOK na naman ang mga prutas ngayong Holiday season.

Pambalanse kasi ang prutas sa mga kinakain na mamantika at maaalat na pagkain gaya ng hamon, lechon, roast beef, keso at mga kilalang viand na kaldereta, mechado, menudo at afritada na pawang mga karne.

Subalit ang prutas ay tradisyonal na inihahain tuwing media noche o alas-12 ng hatinggabi at pagsalubong sa Bagong Taon.

Kapag naghahanda ng prutas, kasabihan na 12 ito upang maging sagana.

Mayroon naman na upang maging siksik-liglig at umaapaw pa ang blessings, dinagdagan pa ng isa, ginawang 13.

Subalit sa pagsulong ng panahon, at nagiging praktikal na ang pag-iisip ng mga tao kasabay ng pag-aaral,  at batay sa payo ni Michael De Mesa, feng sui consultant, limang prutas lang  ay sapat na para sa pagsalubong sa Bagong Taon.

Subalit dapat taglay nito ang limang element na fire, water, earth, metal  at wood.

Ang fire ay sumisimbolo sa kulay pula at dark orange para sa fame and recognition;  earth, kulay brown, yellow at orange na simbolo ng education and creativity; ang metal ay kulay puti, gray at silver para sa family and mentor; water, kulay itim at asul para sa career and wealth; wood ay berde para sa kalusugan.

5 ELEMENT FRUITS

Kapag handa umano ang limang prutas na taglay ng nasabing element, makakamit ang balanseng buhay para sa 2025.

Isang prutas para sa isang kulay ay okay na.

Ano ang maaaring prutas na kukumpleto ng inyong suwerte?

Mansanas o mandarin para sa fire element;  kiwi para sa earth; honey dew o peras para sa metal; grapes para sa water  at wood element ay avocado.

So ayan na, hindi na kailangan ang sandamakmak na prutas na nabubulok lang makaraan ang January 1, kumpletuhin lang ang 5 elements para sa balanseng buhay.