5 GAWAING PAPATAY SA IYONG NEGOSYO SA PANAHON NG KRISIS

homer nievera

KUMUSTA na, ka-negosyo? Survival mode ba tayo sa mga panahong ito?

Alam mo, ka-negosyo, sa mga ganitong panahon ng krisis, marami kang iniisip na gawin upang maiangat ang benta mo, pati na rin ang morale ng iyong mga tauhan. Kasi nga naman, marami na ang nagsara sa loob lamang ng apat na buwan ng iba’t ibang uri ng lockdown. Lalo na ang mga maliliit na negosyo na bukod sa ‘di makapagbukas ng tindahan, ‘di na rin makabayad ng utang. Minsan, dahil ‘di na rin sila nababayaran ng mga may utang sa kanila. Kaya naman kung ‘di nagtatanggal ng mga tauhan, nagbabawas ng araw ng pagpasok – kahit pa naka- work-from-home ang ibang tauhan.

Saan na nga ba tayo pupulutin nito, mga ka-negosyo?

Pero teka. Sa halip na maging negatibo, at naghahanap ng iba’t ibang gawain upang maangat, tingnan mo muna ang mga gawaing maaaring ginagawa mo na ngayon na lalo palang makasasama.

O siya, tara na at matuto!

#1 Saliwa ang mis­yon at layunin

Sa ganitong panahon ng krisis, dapat iisa lang ang layunin at misyon ng kompanya at mga tao. Kapag ‘di nagkakaisa ang layunin ng bawat isa, tiyak ang kamatayan ng negosyo mo.

Ang aming kompanya na FAME, na isang kompanyang nasa communications technology, ay medyo hirap sa pondo upang maikalat ang isang teknolohiya na aming naimbento para sa mga mangingisda na madalas nawawala sa laot, lalo na sa panahon ng bagyo.

Nitong pandemya, naatasan kaming gumawa ng mass testing booths na gagamitin sa mga pampublikong ospital. ‘Di naman namin talaga ito gawain, subalit nag-usap ang management at pati ang mga tauhan na kailangang mag-pivot kami sa ganitong mga panahon. Nangyari ang desisyon sa loob lamang ng ilang oras. Dahil dito, umangat ang cash flow ng kompanya, at nagpatuloy ang maayos na suweldo at operasyon ng kompanya.

Dahil nagkaisa kami sa ganitong larangan na med-tech, bilang pivot namin, nanalo kami ng isang grant upang umpisahan ang disenyo ng isang ventilator o oxygen concentrator.

Kayo rin sana ay magkaisa sa misyon at layunin para sa ikagaganda ng takbo ng negosyo sa panahon ng krisis.

#2 Pamamahala ng micro (micro managing)

Ano ba ang ibig sabihin ng micro managing? Ang gawaing ito ay sa panig ng mga manager o supervisor kung saan ang bawat detalye na kanilang pinagagawa sa mga tauhan ay iniisa-isang pamahalaan. Kaya naman ‘di na nakagagalaw ng may sariling diskarte ang mga tauhan at naghihintay na lang ng utos. Order-ta­king ang tawag sa ginagawang ito ng mga tauhan. Sayang ang oras, ‘di ba?

Sa panahon ng krisis, ang micro managing ay lalong nakakainis at nakayayamot sa mga tauhan na tila nawawalan ng tiwala ang management sa kanila. Sa ganitong sitwasyon, kaysa magkaisa, nagkakawatak-watak ang organisasyon.

#3 Pagkakalat ng takot (fear-mongering)

Sa panahon ng pandemya, sari-saring takot ang pinag-uusapan at ikinakalat ng maraming tao. Kung ito’y nanggagaling sa management, ‘di ito maganda.

Sa halip, dapat na pangalagaan ang positibong komunikasyon sa mga tauhan at buong organisasyon. May krisis na ngang kinakaharap, negatibo pa ang laman ng mga usapan. ‘Di ba nakabababa ito ng morale ng mga tao?

Kaya dapat pag-isipang mabuti ang mensahe ng komunikasyon na siyang ipalalaganap sa buong kompanya. Dapat panatilihin ang kaayusan at positibismo sa orga­nisasyon.

#4 Sobrang dami ng miting

Kailangan ba ng napakaraming miting? Mayroon kasing tinatawag na “meeting fatigue” kung saan pagod na pagod na ang mga tao sa dami ng mga pinag-uusapan at ‘di na nila matapos ang kanilang trabaho.

Limitahan ang mi­ting. Sa halip, ilatag nang maayos ang mga gawain at usapin sa email at iba pang paraan.

#5 ‘Di pag-intindi sa sitwasyon ng mga tauhan

Ilagay mo kaya ang sarili mo sa lugar ng mga tauhan? Ano ba ang mga pinagdadaanan nila sa araw-araw, mula sa pamilya at trabaho?

Isang beses, noong kabubukas lang ng NCR sa GCQ, may nakita akong tila isang emple­yado na nais umangkas sa sinumang magbibigay-espasyo sa kanilang sasakyan. Oo, siya ay nag-hitch hike. Bakit? Kasi pinapapasok na siya pero wala namang masakyan papunta sa pinagtatrabahuhan.

Dito makikitang ‘di naging sensitibo ang kompanya sa kalagayan ng lahat ng empleyado.

Sa panahon ng krisis, lahat tayo ay iisa ang pinagdaraanan, at iisa lang dapat ang layunin – ang maiangat ang negosyo at makapagpatuloy na kumita upang maitaguyod ang pamilya. Tandaan mo ‘yan, ka-negosyo.

3 thoughts on “5 GAWAING PAPATAY SA IYONG NEGOSYO SA PANAHON NG KRISIS”

  1. 137475 34483So, is this just for males, just for women, or is it for both sexes If it s not, then do girls require to do anything different to put on muscle 859287

  2. 597848 107887Spot on with this write-up, I truly assume this site wants a lot much more consideration. probably be again to read much a lot more, thanks for that info. 221369

Comments are closed.