5 GUNRUNNER NADALE SA POLICE OPS

GUN FIGHT

(Ni PAULA ANTOLIN)

QUEZON CITY – LIMA katao na umano’y gun runner ang nasawi sa police operations ng Quezon City Police District (QCPD) na pina-mumunuan ni Chief Supt. Joselito Esquivel Jr. kamakalawa sa Ba­rangay Fairview.

Sa ulat na nakara­ting sa PILIPINO Mirror, partikular na nag-ope­rate ang QCPD District Special Operations Unit (DSOU).

Kinilala ang isa sa nasawi na si Michael Desuyo, 40-anyos, habang ang apat na kasamahan nito ay wala pang pagkakakilanlan.

Sa ulat ni Supt, Gil Torralba, hepe ng DSOU, dakong alas-5:00 ng hapon nang isagawa nila ang naturang operasyon sa Dahlia St. sa nabanggit na lungsod matapos makatanggap ng impormasyon hinggil sa grupong nagbebenta ng iba’t ibang kalibre ng baril.

Tinamaan ng bala sa kanang balikat ang isa sa kanilang operatiba matapos makatunog ang mga suspek na pulis ang kanilang katransaksiyon kung saan humantong sa barilan ang naturang buy bust na ikinasawi ng mga miyembro ng sindikato.

Nakuha sa mga ito ang 15 piraso cal .38, 2 cal .45, at 95,000 pesos na marked money.

“Ang neutralization ng gunrunning syndicate na ito ay malaking tulong sa ating kampanya laban sa kriminalidad at ilegal na droga sa Quezon City la-lo na ngayong panahon ng eleksiyon lalo pa at mahigpit na ipinatutupad and Comelec Gun Ban. Muli nating pinapaalalahanan ang ating mga kababayan na ipagbigay alam sa mga awtoridad ang anumang illegal na gawain upang agad natin na maaksiyunan,” ayon kay QCPD DD PCSupt. Joselito Esquiv-el.

Samantala, naghihinala si National Capital Region Police Office (NCRPO) Chief, Director Guillermo Eleazar  na nagsusuplay rin sa politiko ang li-ma.

Kasabay nito pinuri ni Eleazar ang mga kagawad ng DSOU sa kanilang operasyon.

Dagdag pa ni ­Eleazar, kumagat ang grupo sa nagpanggap na buyer ng ilegal na baril.

Subalit nakatunog ang grupo ng mga suspek sa kalagitnaan ng bayaran at isa sa mga ito ay agad na nagpaputok.

Natamaan ang isang pulis at ito ay nasa ma­buting kalagayan na. May dagdag na ulat sina ­     VERLIN RUIZ at MT BRIONES

Comments are closed.