5 HAKBANG PARA MA-TRACK ANG MGA CONVERSION SA ECOMMERCE SITE MO

homer nievera

KUMUSTA, ka-negosyo? Medyo mag-level up lang tayo nang kaunti sa usapang ecommerce sa pitak natin ngayon. Kasi naisip ko na baka may mga mambabasa tayong nag-level up na rin  mula sa Lazada at Shopee. Kung may sarili kang website na pang-ecommerce, may mga CRM tools kang dapat gamitin para mas mabilis mong ma-track ang ‘conver-sions’ o ang pagkakaroon ng transaksiyon sa site mo. Ang mga klase ng transaksiyon ay mula sa pag-add to cart hang-gang sa pag-checkout. Kaya sa pitak na ‘to ngayon, pag-usapan natin kung paano mo ma-track ang mga conversion sa ecommerce site mo. Tara na at matuto!

#1 Alamin muna ang target mong merkado

Kilala mo na ba talaga kung sino ang kostumer mo? Kung may mga tools ka nang nakakabit sa website mo, malamang  may ideya ka na. Bakit mahalaga ang kaalaman ukol sa target  mong merkado? Kasi nga, dito lahat nagmumula ang impormasyon na kakailanganin mo upang mas lumakas ang pagpasok ng trapik sa site mo, at sa dulo nito ay ang pagpasok ng benta. Tandaan na ang lahat ng gagawin mo sa marketing ay nakasalalay sa target mong merkado at ang kaalaman ukol sa mga kostumer mo.

#2 Kabigan mo ang mga datos sa ecommerce site mo

Paano mo malalaman ang iba’t ibang aspeto ng ecommerce site mo hanggang sa benta mo kung takot ka  sa numero o sa math? Ang mindset ko dati ay ayaw ko sa math kaya ako nag-aral ng masscom noong kolehiyo. Ang nakakatuwa, ang kurso ko sa kole-hiyo ay Communication Research (sa UP Diliman) na tadtad naman  pala ng numero rin, haha! Noong nagtrabaho na ako sa isang ad agency, ang assignment ko at departamento ay ang sa Media Planning at Buying kung saan numero  na naman ang kaharap ko. Kaya ayun, inamin ko na sa sarili ko na ‘di ko pala maiiwasan ang numero, hanggang sa naging bihasa na rin ako. Ang sabi nila, ang datos daw ang bagong langis. Kung mas marami kang alam tungkol sa mga bagay-bagay, lalo na’t sa ecommerce site mo, mas magtatagumpay ka. Sa isang website, mas madalas gamitin ang tulad ng Google Analytics at Google Search Console. Dahil sa mga ito, malalaman mo ang mga pahinang popular at mga keywords na hinahanap ng mga taong nagpupunta sa site mo. Kung alam mo na ang mga datos na ito, mabilis mong mai-aadjust ang mga pahina mo upang bumili ang mga napupunta rito.

Ang isang website ko, halimbawa, ay may 100 na pahina. Malalaman ko kung saan madalas mapunta o magbabad ang mga bumibisita rito. Kaya aayusin ko ang mga pahinag matindi ang trapik at aayusin ko ang content upang mas bumili sila.

#3 Magbigay ng pabuya sa mga kostumer mo

Tuwing nagbibigay ako ng mga talk o bilang speaker, madalas akong magbigay ng libreng ebooks patungkol sa usaping aking tinatalakay  bilang guest speaker.  Paano ko ito ipinamimigay? Simple – pinapupunta ko sila sa website ko kung saan nila mada-download ang ebooks. Para sa akin, mahalaga ang unang hakbang na gagawin ng mga kostumer  ko, na makapunta muna sila sa  website ko. Pagka-download kasi nila ng ebooks, mga 50 porsiyento ay lilibot pa sa website ko. Dahil ako’y isa ring consultant, maaari nilang ikonsidera ang mga serbisyo ko. Para naman sa iyo, bilang isang may ecommerce site, magbigayka ng mga pabuya mula sa mga diskuwento hanggang sa free shipping. Ang mga ganitong gawain ay ginagawa na rin  naman sa mga gaya ng Lazada at Shopee. Kaya mas mainam, pag-aralan ang galaw ng kostumer mo bago ka  maglabas ng libreng ipamimigay. Ang sikreto rito ay tila simple lamang. Magbibigay ka ng pabuya sa bawat pagbili ng mga kostumer, ayon sa napag-isipang minimum na halaga. Tiyak iyan, babalik sila sa site mo!

#4 Laging mag-follow up

Malaking bagay ang pag-follow up sa isang kostumer. Madalas kasi, may naiiwan silang mga bagay sa checkout. ‘Di na nila ito nababalikan. Sayang, ‘di ba? Kaya ang mabilis na solusyon dito ay ang pagkakaroon ng email or text sa iba’t ibang kostumer. Kung may nabili sila at pagkatapos ng bayad nila,  maaari kang magpadala ng “Thank you!” Maaari ka ring  magpadala ng email o SMS sa mga kostumer mo upang mag-update ng mga bagong produkto na maaari nilang bilhin. Bigyang importansiya ang kostumer sa  pamamagitan ng mga follow up  mo sa kanila. Maaari ka na ring mag-upsell o cross-sell sa pagsama nito sa mga followup mo. Hu-wag kang tatamarin sa paggawa nito, ok?

#5 Koneksiyon sa Social Media mo

Sa simpleng paglagay ng URL o address ng website mo, kaya nang ma-track kung nanggaling sa social media mo ang trapik. Paano? Gumamit ka ng “link shortener” gaya ng bit.ly kung saan mabibilang nito kung ilan ang nag-click mula sa post mo. Ma-laking bagay na rin ito dahil mai-kukumpara mo naman mula sa Google Analytics kung ilan ang nag-landing sa site mo mula sa social media post mo.  Mayroon din kaming ginagamit na UTM codes na siyang may mas malalim na uri ng tracking.  Ang mahala-ga ay magsaliksik at gumamit ng mga tools upang ma-track o kaya’y malaman mismo kung ilang tao at anong uri sila na potensiyal na kostumer mo. Datos pa rin ang mahalaga, ‘di ba?

Pagtatapos

Sa panahon ng pandemya man o hindi, ‘di mo maikakaila ang halaga ng mga datos, lalo pa’t ang paggamit ng mga ito ay may kinalaman sa benta ng website mo. Ang salitang ‘conversion rates’ ay makakasalamuha mo nang madalas kung nakababad ka na sa  ecommerce website mo. Kaunting saliksik pa para mas maintindihan mo ang mga naisulat ko sa pitak na ito sa ngayon, ok? Ang pagiging entrepreneur ay sadyang mahirap ngunit exciting.  Magkaroon ka ng sipag at tiyaga at maging masinop sa lahat ng bagay.  Higit sa lahat, mangarap para sa kinabukasan  kasama ng pagtitiwala sa sarili at  pananampalataya sa Diyos.



Si Homer Nievera ay isang technopreneur. Maaari siyang makontak sa email niya na [email protected].

Comments are closed.