WALUMPU’T LIMANG libong estudyante ng pre-school hanggang senior high school ang mabibiyayaan ng limang oras na internet load na bahagi ng learner’s package para sa kanilang pag-aaral sa darating na school year 2020-2021.
Ito ay napag-alaman kay Makati City Mayor Abigail ‘Abby’ Binay na nagsabing ang learner’s package na kanyang ipagkakaloob sa mga estudyante ng lungsod ay naglalaman ng On-The-Go (OTG) flash drive, printed modules at dalawang washable face mask na nakalagay sa pouch.
Ayon kay Binay, ang lokal na pamahalaan ay nakakuha ng karagdagang benepisyo sa kanyang konsultasyon sa City School Division Office (DepEd ng Makati).
Hinimok din ng mayora ang mga magulang na suportahan ang inisyatibo ng lungsod upang maipakita ng mga ito ang kanilang ginagampanang papel sa epektibong implementasyon ng makabagong paraan sa pagtuturo na nakadisenyo na sa ‘new normal.’
Dagdag pa ni Binay, ngyon pa lamang ay maaari ng umpisahan ng mga magulang ang paggabay sa kanilang mga anak na estudyante ng tamang pag-iisip at disiplina upang maging handa na ang mga ito sa bagong set-up ng pagsisimula ng klase. MARIVIC FERNANDEZ

Comments are closed.