BUMAGSAK sa kamay ng Bureau of Immigration (BI) ang limang illegal aliens sa magkakahiwalay na operasyon na ikinasa ng mga tauhan ng BI Intelligence Division sa ibat-ibang lugar sa bansa.
Ayon sa report ng BI Intelligence Division na nakarating sa tanggapan ng Immigration sa Intramuros, ang limang mga dayuhan ay kinabibilangan ng dalawang Indian national, isang American citizens, Pakistani at Vietnamese nationals.
Batay sa impormasyon ang American national na si Victor Florendo Carpiso ay na nadakip noong Abril 28 sa kanyang pinagtataguan bahay sa Baguio City at dumating ito sa bansa noong pang taong 2013.
Kasunod nito, magkakasabay naaresto nitong May 4 ang dalawang Indian national na sina Tejinder Singh, at Prakash Raj Ramara at ang Pakistani national na si Saleem Khan sa Calbayog City, Agoo La Union at Legaspi City, Albay.
At si Tran Van Thung ay nahuli habang nagtitinda ng retail goods malapit sa UV Express terminal sa SM North EDSA Mall.
Ang limang dayuhan ay agad na ipadedeport sa lalong madaling panahon dahil sa paglabag ng Immigration Laws.
FROILAN MORALLOS