NAGPOSITIBO ang lima sa 69 drivers ng jeepney sa Makati matapos magsagawa ang Land Transportation Office-National Capital Region (LTO-NCR) ng drug testing sa dalawang lugar sa Makati City.
Ayon kay LTO-NCR Regional Director Roque “Rox” I. Verzosa III sa may 69 jeepney drivers na mga nasa terminals na nasa Makati Terminal sa Delpan at Guadalupe Terminal ang sumailalim sa drug testing.
“ Out of 17 jeepney drivers na sumailalim sa random drug test sa Makati Loop Terminal sa Delpan, 2 dito ang nagpositibo sa paggamit ng shabu, habang sa Guadalupe Terminal naman ay tatlo rin ang nagpositibo,” ani Verzosa.
Samantala sinabi naman ni LTO-NCR Assistant Regional Director Hanzley H. Lim na pansamatalang kinumpiska muna ang mga lisensya ng mga driver na nagpostibo sa drug test habang naghihintay sa confirmatory tests ng mga ito.
Sasailaim ang mga nagpositibo sa programa ng Makati Police Department sa loob 3 buwan na rehabilitasyon kung kaya’t hindi na ikukulong ang mga ito. PAULA ANTOLIN