5 KALSADA ISASAILALIM SA REPAIR

Kalsada

LIMANG kalsada sa Metro Manila ang isinasailalim  sa road repair and reblocking  simula kahapon, Miyerkoles hanggang sa Biyernes, Enero 31.

Sa abiso ng Metropolitan ManilaDevelopment Authority (MMDA), ang pagsasaayos ng mga kalsada  ay mula11:00 ng gabi ng Miyerkoles hanggang Enero 31.

Ayon sa MMDA, apektado ng road repair at reblocking ang C5, Ortigas flyover kung saan isasagawa ang rehabilitasyon at major repair sa C5 Ortigas Flyover tuwing weekdays mula Enero  31 hanggang  Hulyo  28, 2020 mula 11:00 ng gabi hanggang 5:00 ng mada­ling-araw.

Concrete pouring at pagpapadala naman ng mga materyales ang gagawin sa bahagi ng EDSA North Bound malapit saTaft Avenue sa Pasay City mula Enero 29 hanggang Pebrero  4 bandang 11:00 ng gabi hanggang 5:00 ng madaling-araw.

Samantala, aalisin naman ang steel safety canopy sa bahagi ng EDSA South Bound sa harap ng AMA TowersResidences Building sa Mandaluyong City.

Maliban dito ay aayusin din ang kahabaan ng Oroquieta Street sa Sta. Cruz hanggang Sampaloc, Manila kabilang ang drainage tuwing Biyernes mula Enero  31 hanggang Oktubre  26 dakong 11:00 ng gabi hanggang 5:00 ng madaling-araw.

Bubuksan naman ito sa publiko tuwing Lunes bandang 5:00 ng mada­ling-araw.

Magkakaroon din ng road reblocking sa R. Magsaysay Boulevard at R. Magsaysay Service Road para sa rehabilitasyon kabilang ang drainage system tuwing Biyernes hanggang  Hunyo  26 bandang 11:00 ng gabi hanggang 5:00 ng madaling-araw. MARIVIC ERNANDEZ

Comments are closed.