NAISUMITE na si Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año kay Pangulong Rodrigo Duterte ng limang pangalan upang mapagpilian nito bilang susunod na hepe ng Philippine National Police (PNP) kapalit ng magreretirong si PGEN Guillermo Eleazar noong Nobyembre 2.
Nilinaw naman ni Año na kahit nagbigay na siya ng kanyang rekomendasyon sa pangulo ay maaari pa rin itong pumili ng susunod na PNP chief na wala sa kanyang listahan.
Hindi naman tinukoy ng kalihim kung sinu-sino ang mga pangalang isinama niya sa listahan.
“Yes, I submitted already my recommendation consisting of five names embodied in Napolcom Resolution Nr 2021-1420,” anang kalihim.
“The President may choose among the list or he may also exercise his discretion to choose anyone from the current PNP generals. I gave the list to PRRD on Nov 2, 2021,” dagdag pa ng DILG chief.
Matatandaang si Eleazar na naupo sa puwesto noong Mayo ay nakatakda nang magbitiw sa Nobyembre 13 pagsapit niya sa edad na 56. Siya ang naging ikaanim na PNP chief sa ilalim ng administrasyong Duterte. EVELYN GARCIA