SAN JUAN CITY – NAIALIS ng San Juan City government sa umano’y sex den ang lima katao.
Isinagawa ng San Juan Police kasama si Mayor Francis Zamora ang pagsalakay sa isang Wellness Spa Massage and Skin Care na nasa N. Domingo Street sa lungsod.
Ayon kay Pol. Col. Jaime Santos ng San Juan Police, batay sa kanilang surveillance ay natuklasang nag-aalok ng extra service ang spa.
Kabilang sa nasagip ang isang babae, isang lalaki at isang miyembro ng 3rd sex na trabahador ng spa.
Sa operasyon naaktuhan pa ang isang babae habang nakikipagtalik sa isang kostumer.
Agad namang ipinasara ni Zamora ang naturang spa.
Ayon kay Zamora, pangalawang pagkakataon na ito na mayroon silang naipasarang spa sa lungsod dahil sa pag-aalok ng extra service sa kanilang mga kliyente.
Pinaghahanap na ng awtoridad ang may-ari ng spa na mahaharap sa kasong paglabag sa Anti-Trafficking in Persons Act of 2003. PILIPINO MIRROR REPORTORIAL TEAM
Comments are closed.