5-KILO LIMIT SA NFA RICE

NAGTAKDA na ng limang kilong limitasyon ang National Food Authority (NFA) sa bawat mamimili ng murang bigas.

Gayunman, aminado si NFA Spokesman Rex Estoperez na hindi rin naman ito epektibong pa­raan para maiwasan ang hoarding dahil puwede namang pumila o bumili ang bawat miyembro ng isang pamilya.

Napag-alamang bawat NFA dealer sa palengke ay nakakaubos ng mahigit sa sampung sako ng bigas kada araw.

Nagpahayag ng pangamba si Estoperez na hindi umabot hanggang sa anihan sa Setyembre ang mga inangkat nilang bigas kung magpapatuloy ang nangyayaring hoarding ng NFA rice.

Umapela sa publiko si Estoperez na huwag mag-panic buying at bilhin lamang ang kailangan nilang kon-sumong bigas.

Nagsimula nang ipakalat sa mga pamilihan ang NFA rice na sinasabing galing ng Thailand.

Kaya nagbanta  ang isang senador na dapat na bantayan ang supply ng bigas upang masigurong mag-pupunta ito sa tamang pinaglalaanan.

Dalawang uri  ng NFA rice mayroon nga­yon sa merkado, isa ay P27 kada kilo habang P32  naman ang isa.  CAMILLE BOLOS

Comments are closed.