LAGUNA- KINASUHAN g murder ng PNP Region 4-A ang 5 kalalakihan na umano’y may direktang kinalaman sa brutal na pagpatay sa isang piloto ng Philippine Airline noong buwan ng Hulyo ng taong kasalukuyan sa lungsod ng San Pablo , Laguna.
Kinilalala ni Brig. General Eliseo Cruz, CALABARZON police Director ang mga suspects na sina Rolando Cuevas, alias Bancunyo, at Jherico Demesa. kapuwa ng Barangay Perez, Calauan , at Barangay del Remedio, San Pablo city.
Isang alyas “Mayor’ at isang Jhon at Peter Doe ang kabilang din di-umano sa sinampahan ng kasong murder , ayon pa kay Cruz.
Gayunpaman, sinabi ng imbestigador na isinama nila ang pangalan ng nasabing Mayor matapos na magbigay ng sinumpaang salaysay ang isang nakasaksi sa krimen.
Sinabi ng isa pang driver na nakasaksi sa krimen bago pa maganap ang pamamaril ay narinig niya na may kausap sa cellphone ang kilalang pulitiko kung saan binaggit nito ang gagawin pagbaril sa biktima.
Makalipas ang ilan sandali ayon pa sa saksi ilan putok ng baril ang kanilang narinig at nakita na lang na nakahandusay ang biktimang si Jeffrey Palcis, 41, dating konsehal at Board member ng Laguna. Sugatan naman ang kaibigan nito na si Vienyard Isles na naisugod pa sa ospital.
Si Palcis ayon sa asawa nito ay matagal ng nanungkulan bilang konsehal at nagdeklara umano itong tatakbo sa Pagka-alkalde sa darating na halalan 2022. ARMAN CAMBE