SA latest advisory ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) Eastern Visayas, positibo sa Paralytic Shellfish Poison (PSP) o toxic red tide na lumampas sa itinakdang limitasyon ang mga shellfish na nakolekta mula sa mga sumusunod na lugar:
1. DARAM ISLAND, Samar
2. ZUMARRAGA ISLAND, Samar
3. CAMBATUTAY BAY, Tarangnan, Samar
4. MATARINAO BAY (General MacArthur, Quinapondan, Hernani, at Salcedo)
5. CANCABATO BAY sa Tacloban City
6. IRONG-IRONG BAY, Catbalogan City
7. VILLAREAL ISLAND, Villareal, Samar
Ayon sa BFAR Visayas, mahigpit na ipinagbabawal ang pag-ani, pagkain at pagkolekta ng lahat ng uri ng shellfish at Acetes o “Alamang” mula sa mga tubig na ito.
Dagdag ng ahensya, ang sinumang lalabag sa shellfish ban na ito ay papatawan ng parusa.
Samantala, ang local red tide warning ay nananatiling epektibo sa mga sumusunod na lugar:
1. Mga Baybaying-Dagat ng BILIRAN ISLAND
2. MAQUEDA BAY, Samar (Jiabong, Motiong, Paranas, San Sebastian, Calbiga, Pinabacdao, Hinabangan)
3. Mga Baybaying-Dagat ng CALBAYOG, SAMAR
4. CARIGARA BAY (Babatngon, San Miguel, Barugo, Carigara, Capoocan, Leyte)
Upang mabasa ang mga Local Red Tide Warning, maaaring bisitahin ang link na ito: https://tinyurl.com/localredtidewarning at https://tinyurl.com/localredtidewarning
Paalala ng BFAR, ang mga isda, pusit, hipon at alimango mula sa mga lugar na ito ay ligtas kainin basta’t sariwa, tinanggal ang mga laman-loob tulad ng bituka at hasang at hinugasan nang mabuti sa umaagos na tubig.
RUBEN FUENTES