5 M COVID-19 VACCINES DUMATING SA BANSA

HALOS nasa limang milyong COVID-19 vaccine ang dumating sa bansa kahapon kasama ang 3,999,060 doses ng Pfizer-BioNTech na ipinagkaloob ng United States, ka-partner ang COVID-19 Vaccines Global Access (CO­VAX) facility.

Ito ang pinakamalaking single-day shipment ng Pfizer-BioNTech COVID-19 vaccine sa Pilipinas na bahagi ng tuloy-tuloy na pagsuporta ng Amerika sa pandaigdigang laban sa corona virus at kanilang commitment sa sambayanang Pilipino para mapanati­ling ligtas at malusog.

Ang nasabing bakuna ay bahagi ng 1.2 billion COVID-19 vaccine doses na ipinagkakaloob ng US at ipinamamahagi sa pamamagitan ng COVAX, isang global initiative para masuportahan ang equitable access sa COVID-19 vaccines ng mga mahihirap na bansa.

Bunsod ng nasabing donasyon, natupad na ng U.S. ang target ni President Joe Biden na makapaghatid ng 200 million doses sa kanilang partner countries sa loob ng limang araw na mas maaga sa kanilang 100-day target.

Sa kasalukuyan ay nakapagbigay na ang U.S ng 33.3 million CO­VID-19 vaccine doses.

“We are immensely proud that our friends, partners, and allies in the Philippines are receiving this historic shipment. This significant donation underscores the United States’ commitment to continue working with our Philippine partners to combat COVID-19 even as we face serious challenges around the world,” pahayag ni U.S. Embassy in the Philippines Chargé d’Affaires (CDA) ad interim Heather Variava.

” Also coinciding with this milestone is the anniversary of the first COVAX delivery of life-saving COVID-19 vaccines to the Philippines.

The U.S. is the largest donor to COVAX, having donated $4 billion to help protect the most vulnerable and at-risk populations in 92 low- and middle-income countries. So far, the Philippines has received from COVAX a total of nearly 74 million vaccines doses, enough to vaccinate one in five Filipinos,” dagdag pa nito.

Bukod sa nasabing vaccine donations, ang U.S. government ay nakapagkaloob na rin ng mahigit P1.9 billion ($39 million) ng COVID-19 assistance sa Pilipinas para masuportahan ang testing, crucial care, communication campaigns, protection at training ng health workers, vaccine deployment, at essential equipment and supplies.

Kahapon ay dumatin din sa bansa ang 1,167,660 doses ng Pfizer (Govt procured thru World Bank) via DHL Express Flight LD 456.
Dahil dito, umaabot na sa 231,505,650 doses ang dumating na bakuna sa bansa. VERLIN RUIZ