$.5-M DALA NG S’POREAN NASABAT SA NAIA

NAIA

NAKUMPISKA ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang nasa kalahating milyong dolyar mula sa isang Singaporean national.

Ang nasabing dayuhan ay dumating sa NAIA noong Martes sakay ng Scoot Airlines flight TR392 mula Singapore, kung saan dala niya ang naturang halaga at nakalagay sa kanyang hand carry bag.

Sa inisyal na imbestigasyon ay napag-alaman na idineklara ng Singaporean ang kanyang dalang US dollars na gagamitin niya sa magandang layunin.

Agad naman itong binilang ng Customs exa­miner on duty sa harap ng dayuhan at ng mga tauhan ng Customs Intelligence and Investigation Service (CIIS), at Customs Enforcement and Security Service (ESS) bilang mga tagapagmasid.

Sa ilalim ng Customs law, pinapayagan ang sinumang pasahero na magpasok o maglabas ng local o foreign currency ng hindi hihigit sa 10,000 US dollars. FROILAN MORALLOS