5-M DOSES NG COVID VACCINES DARATING SA NAIA

bakuna

INAASAHAN ng pamahalaan ang pagdating  ng 5,313,560 doses ng ibat-ibang brand ng vaccines sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) bago matapos ang buwang ito, ayon sa pamunuan ng Bureau of Customs (BOC).

Batay sa nakalap na impormasyon ng pahayagang ito, ang unang nakatakdang dumating  ay ang 313,560 Pfizer mula sa COVAX facility lulan ng Air Hongkong DHL flight mula sa Belgium.

Ang 262,080 doses ng Pfizer ay direktang dadalhin sa Department of Health (DOH) Manila, habang ang 51,480 doses ay nakatakdang ipadala sa DOH Davao.

Darating sa  Agosto 19, 2021 sa NAIA terminal 2 ang  3 million doses ng  Sinovac vaccines sakay ng Philippine Airlines flight galing sa Beijing, China.

Samantala, sa Agos­to 20 at 21 at inaasahan ang panibagong arrival ng dalawang milyong doses ng Sinopharm vaccines na galing din sa bansang China. FROILAN MORALLOS

9 thoughts on “5-M DOSES NG COVID VACCINES DARATING SA NAIA”

  1. 694402 632596Wow, great weblog layout! How long have you been blogging for? you make blogging look simple. The overall appear of your internet web site is great, let alone the content material! 770959

  2. 922373 298996I was reading some of your content material on this web site and I think this internet website is really informative! Maintain putting up. 461162

  3. 168188 853690Hello. I wanted to ask one thingis this a wordpress web site as we are preparing to be shifting over to WP. Furthermore did you make this template yourself? Thanks. 395118

Comments are closed.